Ang mga bagong batas laban sa Money Laundering

at Kontra sa Pagpopondo ng Terorismo

 

 

Sa isang sulyap

 

Ipinatupad ng Australia ang mga bagong batas na AML/CTF upang matugunan ang internasyonal na mga pamantayan at upang makatulong na maprotektahan ang mga negosyo na magamit sa maling paraan para sa money laundering at pagpopondo ng terorismo.

 

Bilang isang customer na naghahangad ng ilang mga serbisyo maaaring hilingin sa iyo na kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan

 

Sa pamamagitan ng pagkumpirma ng iyong pagkakailanlan ikaw ay nakakatulong na protektahan ang mga negosyo na magamit sa mga layunin ng criminal na gawain.

 

 

Ano ang money laundering at pagpopondo ng terorismo?

 

Ang layunin ng karamihan sa mga gawaing criminal ay upang kumita.  Upang matamasa ang kanilang mga kinita sa maling paraan, karaniwan ay hinahangad ng mga criminal na pagtakpan ang tunay na pinagmulan ng mga kinitang iyon.  Ang money laundering ay ang pagpoproseso ng mga kinita ng criminal upang mapagtakpan ang kanilang iligal na pinagmulan.

 

Inililipat din ng mga pangkat ng terorista ang mga pondo upang pagtakpan ang kanilang pinagmulan, layunin at patutunguhan.  Kabilang sa pagpopondo ng terorismo ang pagpopondo sa mga gawaing terorismo, mga terorista at mga organisasyon ng terorista.

 

 

Ano ang mga bagong batas?

 

Ipinaguutos ng Anti-Money Laundering and Couter-Terrorism Financing Act 2006 sa mga nagdudulot ng ilang mga serbisyong pampinansiyal o para sa pagsusugal, o ang mga kasangkot sa pangangalakal ng bullion, na:

 

 

 

Bakit ipinakilala ang mga bagong batas?

 

Ipinakilala ng Pamahalaan ng Australia ang mga bagong batas sa anti-money laundering at counter-terrorism financing (AML/CTF) upang:

 

 

 

Sino ang maapektuhan ng mga bagong batas?

 

Mula Disyembre 12, 2007 ang mga bagong batas ay maaaring makaapekto sa mga customer ng ilang mga tagapagbigay-serbisyo, kabilang ang:

 

 

 

Kailan ka maaaring maapektuhan?

 

Bilang isang customer ay maaapektuhan ka sa isang hanay ng mga sitwasyon, kabilang ang:

 

 

 

Anu-anong mga pagbabago ang mapapansin mo?

 

Bilang isang customer, ang negosyong kinakaharap mo ay maaaring mangailangan na kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan.  Ang mga uri ng mga dokumentong maaaring hingin sa iyo upang makumpirma ang iyong pagkakakilanlan ay maaaring magkaiba para sa iba’t-ibang mga transaksyon o serbisyo.

 

Halimbawa, kapag natukoy ng isang negosyo na ang serbisyo o transaksyon ay kumakatawan sa mababang peligro ng money laundering o pagpopondo ng terrorismo, ang mga customer ay maaaring kailanganin lamang na magpakita ng lisensya sa pagmamaneho.  Para sa iba pang mga transaksyon o serbisyo maaaring kailanganin kang magbigay ng karagdagang impormasyon.

 

Kabilang sa mga dokumento ng pagkakakilanlan na maaaring hilingin sa iyo ay ang:

 

 

Ang mga negosyong saklaw ng mga bagong batas ay kinakailangang magpatupad ng mga programa ukol sa AML/CTF, kabilang ang patuloy na pagsubaybay ng Gawain ng customer at ang pag-uulat ng mga kahinahinalang bagay.

 

Paano mapoprotektahan ang iyong pagiging pribado?

 

Ang mga partidong nag-uulat at mga ahensya ng Pamahalaan ng Australia na nangongolekta ng personal na impormasyon ay saklaw ng Privacy Act 1988.  Pinapangasiwaan ng Privacy Act ang pangongolekta, paggamit, pagbubunyag, kalidad at seguridad ng personal na impormasyon.

 

Para sa karagdagang impormasyon kung paano mapoprotektahan ang iyong pagiging pribado, mangyaring makipag-ugnay sa Office of the Privacy Commisioner sa numerong 1300 363 992 o bisitahin ang www.privacy.gov.au/business/aml

 

 

Para sa karagdagang impormasyon, pakitawagan ang

Customer Information Line sa:

 

1800 021 037

www.ag.gov.au/aml